"Don't cry over the past, it's gone. Don't stress about the future, it hasn't arrived. Live in the present & make it beautiful!"
Buti pa ang shoes may PAIR,
Ang calendar may DATE.
Pero ako, WALEY!
I feel so empty
Loss half of my life
Dahil walang lovey-dovey
Nganga pa rin ako, bes
Kahit na I did all my best
She treated me like pest
Sa pag-ibig kasi ay walang bulag, walang pipi, pero TANGA? Marami.
Pero lilipas din yan! Dahil wala naman talagang forever. Ang puso kasi ay parang paminta, buo talaga pero pilit lang dinudurog ng iba.
Narito naman ako, napaka-gwapo (o maganda) pero bakit walang pumapansin o nagpaparamdam. Gusto ko na talagang lumandi pero walang magkamali.Kapag ako ang pinili mo, hindi ako magsasawang suyuin ka, intindihin ka, ipagparaya ka, at mahalin ka. Mamahalin kita nang tapat at lubusan. Nawa'y mapansin ang hangarin ng pusong hirang. I am your "real talk" in a world full of "charot!"
Ang lamig noh? Kasing lamig ng walang kaniig o katabi man lang ngayon malapit na araw ng mga puso. Dahil love is in the air ... but only for those with a BF or GF.
Sa February 14, tiyak na uulan ng mga roses, teddy bears at chocolates. Habang ako, nag-iinternet at kumakain. Dadami na naman ang may birthday ng November, kasi mabubuo ng February. Char!
So sa Valentine's Day ba ay mag-po-post ka ng mga pictures ng bulaklak, chocolates, stuff toys, etc., sa Facebook o Instagram mo?
Hindi ko alam kung sino kasama mo sa araw na ito, pero sana .. ako na lang muli. Ikaw pa rin ang gusto ong leading lady sa mala-teleseryeng buhay ko (biglang tumugtog yung kanta ni Gary Valenciano sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin).
It hurts so much when you still have someone in your heart, but no longer in your arms. Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap. Gusto muling mayakap, makahalikan, maka-holding hands, makipagpalitang ng matatamis na sulyap at ngiti.
Sana ang love katulad ng sinasabi ng dentista "sabihin mo lang kung masakit, lalagyan ko ng anesthesia." Akala ko ay naka move on na ako, kaso di pa pala ako nakaka recover.
Grabe ang aking kalungkutan noong tayo ay nagkahiwalay. Para akong namatayan...hindi..ako ang namatay! At ngayon ay parang zombie ..walang katinuan, nakatingin sa kalayuan, pero wala namang tinititigan.
Tibok ng puso ay para lang sa iyo, pero ayaw mo na talagang makipag-balikan dahil sa aking kagagawang kataksilan. Masyado kasi akong naging mayabang. Akala ko ay sobrang macho ako ako. Sinubukang maki-landi sa ibang baabe, kaya ayun nahuli.
Pero later on na-realize ko, ikaw naman talaga ang tunay na pag-ibig ko, at lahat sila ay pampataba lang ng ego ko.
Kaya ngayon nalulungkot tuwing nakikitang kang masaya sa social media. Panay post mo sa Facebook, Twitter at Instagram ng mga selfies ninyo together. As if parang may gusto kang inggitin at pag-selosin. Hindi kaya may pag-ibig ka parin sa akin? at ginagamit mo lang siya para durugin ang puso ko?
Ayun siguradong pupunta na naman ako ng mall para maglibang at makalimutan na wala na akong special someone. Kaso bigla namang mapapa-gitnaan ng couples na holding hands while walking at panay ang display of affection. Madaming mag-jowang makikita. Pero ako ay forever alone, laging mag-iisa. Ang saya-saya talaga!
Pero ayoko talagang maging bitter sa February 14. Hindi Nutrition Month ngayon para sa mga ampalaya. Ayoko ng humugot! Nakakapagod na! Parang pagmamahal ko sa kaniya!
Hindi mo hiniling sa akin noon na bigyan ka ng kahit na anong materyal na bagay. Pagmamahal at oras ko lang ay okay na sa iyo. Ngayon ko napagtanto na ako talaga ang mahal mo at hindi kayamanan ko. Bonus lang iyong kotse, shopping spree at food crawl.
Pero how long ba ang aking ipaghihintay, how long should I be patient enough to wait for the one who can replace you in my heart. Kahit gusto ko sanang gumawa ng love letter para sa iyo, kaso naalala ko bigla na wala nga pala akong papel sa buhay mo. Ngayong may iba ka na, wala na akong pag-asang tayo'y magkakabalikan.
Pero hindi ko ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman interesado sa akin. Kaya lang, sometimes ay naisip ko na pwede na rin yung taong hindi tunay na minamahal ako, dahil okay na rin sa akin yung pakitang-tao man lang. Later na lang niya niya siguro ma-realize yung mga efforts ko balang araw. Eventualy, she will fall in love with me na rin.
Hindi na ako umaasang may mag-de-date sa akin sa Valentine's Day. Pero OK na rin sana kung MU na lang, iyon bang Malanding Ugnayan.
Ang sabi ko sa sarili ay .. Valentine's Day lang yan, malayo sa bituka. Hindi man ako ang naiisip niya sa araw ng Valentine's Day, andito pa rin ako na magpapasaya sa inyo ....kahit mag-isa akong nagmumukmok sa aking kwarto at ang tanging kaharap ay ang mga computer ko.
Subukan ko muna siguro maghintay pa ng ilang taon bago ko sukuan. Pero ang sabi nila ay paano ko ba makikita yung para sa akin kung ayaw kong tantanan ikaw at pinipilit kong maging aking muli! Nakatutok na lang ako sa iyo, kahit bale-wala na talaga ako.
Sana birthday ko na lang sa Valentine's Day para may ma-i-celebrate din ako kahit paano.
Para sa mga lonely sa Valentine's Day, huwag magpadalos-dalos sa inyong desisyon. Learn to wait and extend your patience because your right one is soon coming. Hanap ka ng hanap para diyan sa lovelife mo, e yung love ba na binigay sa iyo ni God binabalewala mo.
At kahit na walang lovelife, basta nandiyan ang tropa, ayos na. Nyak, who am I kidding?!
Kapag nakahanap naman tayo ng para sa atin, maglaro kayo ng kahit ano, wag lang taguan. Kasi someone like each one of you is hard to find. Huwag makipag-sapalaran sa tsambahan or pwede na iyan. Treat them the very best way possible.
Ang pag-ibig ay paramg bulaklak. Kapag inaalagaan, namumukadkad. Pero ito ay para ring kape. Kapag pinabayaan, lumalamig! Huwag nang paabutin pa sa punto na unti-unti na kayong nanlalamig sa isa't-isa.
You should want a relationship where people would be like : "Hanggang ngayon sila pa rin?"
Kaya pwedeng habang maaga pa, tatapusin ko na dahil ayaw kong tumagal pa ang iyong kalungkutan.
Seriously, one day you'll realize that being alone isn't too bad at all.
"We should love, not fall in love. Because everything that falls gets broken."
No comments:
Post a Comment