Thursday, February 23, 2017
Hontiveros to Millennials: Time for Your Own EDSA
Wazzup Pilipinas!
"Hindi dapat nating kalimutan ang EDSA. Hindi lang ito isang holiday para magpahinga, pumetiks at gumimik. Kailangan nating matandaan na hindi isang simpleng kaganapan ang EDSA. Ang EDSA ay simbolo ng tapang, pagkakaisa at matagal na paninindigan para sa demokrasya at pagbabago.
Noong EDSA 1, pinatalsik natin ang isang diktador. Sa EDSA 2, nilabanan natin ang isang korap na gobyerno. Ngayon, may panibagong banta na hinaharap ang ating bayan. Ito ang panganib ng extrajudicial killings, ang pagbaluktot sa kasaysayan at ang pag-atake sa dignidad ng kababaihan at demokrasya.
To the Filipino millennials, kailangan natin ng isang bagong Edsa na tutugon sa mapanghamong panahon. Isang EDSA na maraming porma at ekspresyon, mapa-kalasada man, sa klasrum, komunidad o sa mundo ng social media. Kailangan natin ng isang bagong Edsa na gagawing ganap ang pagtupad ng mga pangako ng mga nagdaang EDSA.
Ito ang bagong EDSA na dapat ninyong pamunuan. Sama-sama nating ipakita na buhay ang diwa ng EDSA at kailanman ay hindi ito maililibing ninuman, at kailanman.
Ngayon ang inyong EDSA, kayo ang bagong EDSA." - Senator Risa Hontiveros
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Post a Comment