Wazzup Pilipinas!
"I will never let you fall, I'll be there for you forever!"
For those still healing from wounds inflicted by the ones they trusted the most, Valentine's Day can really suck.
Kawawa naman ang mga nakaranas ma-echos, ma-churva, o ma-keme ng mga nakaraang araw. Araw-gabi na lang toxic kapag walang special someone! Walang pampatanggal ng stress mula sa trabaho o traffic kapag walang kaniig. Puro na lang kunsumisyon kapag walang ka-relasyon.
This Feb-ibig month of February, tunay na manalig sa tapat na pag-ibig at magmahal ng walang "bakit." Kahit pa man tayo ay nakaranas ng napakasakit na relasyong hindi nagtagal, nanininwala kami na may darating pang muli na magpapatibok ng ating puso at tayo ay mamahalin ng walang pag-aalinlangan.
Ramdam mo na ba ang kilig vibes na ihahatid ng bago mong kakilala? Lubos-lubusin mo lang ang pananampalataya at sabay-sabay tayong manalig mga naging sawi sa pagmamahal, itodo na ang taimtim na pagdarasal sa Poong Maykapal.
Love is in the air! Keep telling that to ourselves! Sooner or later, all that faith will soon be a reality!
No more heart aches for me! Believe in the month of February!
Lord puwede bang himiling? Pusuan sana ni crush ang aking post sa Facebook, Twitter o Instagram! Pampalubag na rin po ang seen-zoned, at least napansin niya. Malay mo nahihiya lang siyang mag-Like.
Kahit re-tweet or reshare ay masaya na rin ako. I cannot be so choosy naman kasi, but always willing and ready for a selfie, kahit na groupfie! Kahit walang filter pa dahil always glowing naman ako kapag siya ang aking kasama. Sige na nga, kahit ka-text mate na lang po.
Puwede bang humirit? Kahit makatabi ko na lang sa jeep! O makasabay make tusok-tusok sa nagtitinda ng fish ball o squid ball o kahit sa paghitit na lang ng sigarilyo tuwing break time. Lol!
Ayan, naririnig ko na ang musika, malapit na akong uminit kasama ang isang kaniig sa malamig na klima ng gabi. February is really the month of love. Abangan ninyo ang pagrampa ko ngayong Feb-ibig kasama ang aking bagong ka-heart!
"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi makinig dito."
We heart you, everybody!
Post a Comment