Wazzup Pilipinas!
"Ang Expanded Maternity Leave Bill ay hindi lamang para kay nanay, pwede din kay tatay."
This was the statement issued on Tuesday by Akbayan Senator Risa Hontiveros in response to questions whether the paid paternity leaves of working men can also be increased.
Hontiveros, who chairs both the Senate Committee on Women and Senate Committee on Health, filed Senate Bill 215 otherwise known as "The Expanded Maternity Leave Act" to double women workers' maternity leave from the current 60 days to 120 days, with extra 30 days for solo mothers, for a total of 150 days.
"Daddy quota"
The Senator said that fathers can avail of the benefits of the proposed Expanded Maternity Leave Law. She called this the "Daddy quota" of the proposed measure.
"The idea behind the bill is not only to give expectant mothers ample time to ensure the best possible conditions for a healthy delivery, recovery from childbirth and stronger mother-child bond, it also recognizes the role of fathers, adoptive parents and alternate caregivers, and contribute to a more equal distribution of child care among Filipino families," Hontiveros said.
Hontiveros said that 30 days of the proposed 120-day maternity will be alloted to alternate caregivers (spouse, common-law partner, relative up to the 4th degree of consanguinity). Adoptive parents are also included.
“Parenting is a collective effort, and pregnancy is both a delicate and precious time. Pregnancy and child care is not the responsibility of women alone. Fathers and other alternate caregivers deserve the opportunity to create meaningful memories with their partners as they welcome and nurture their children,” Hontiveros said.
Mga tatay makikinabang sa Expanded Maternity Leave bill ni Hontiveros
"Ang panukalang batas na Expanded Maternity Leave ay hindi lamang para sa mga nanay, pwede rin ito sa mga tatay."
Ito ang pahayag ngayong Martes ni Akbayan Senator Risa Hontiveros bilang kasagutan sa mga nagtatanong at nagmumungkahing itaas din ang bilang ng paid paternity leave ng mga nagtatrabahong tatay.
Si Hontiveros, chairperson ng Committee on Women at Senate Committee on Health sa Senado, ay naghain ng Senate Bill 215 o ang "Expanded Maternity Leave Act" para doblehin ang kasalukuyang 60 araw na maternity leave sa 120 araw at karagdagang 30 araw sa mga solo parents, sa suma total ng 150 na araw.
"Daddy quota"
Ayon sa senador hindi lang ang mga kababaihan ang makikinabang sa kanyang Expanded Maternity Leave bill, maging ang mga tatay ay kasama dito. Sabi ni Hontiveros, may "Daddy quota" ang kanyang panukalang batas.
"Ang pangunahing layunin ng panukalang batas na ito ay bigyan ng tamang panahon ang mga nanay na magpagaling matapos manganak at masiguro din na may tamang oras na igugugol para sa mother-child bonding. Bukod sa pagbibigay halaga sa mga nanay, kinikilala rin ng Expanded Maternity Leave Act ang papel ng mga tatay, adoptive parents, at alternatibong tagapag-alaga o caregiver na may parehong responsibilidad para alagaan ang mga bagong silang na bata," ani ni Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros, sa kanyang panukalang batas, ang 30 araw sa 120 araw na maternity leave ay pwede ibahagi sa mga miyembro ng pamilya na mag-aalaga ng sanggol (asawa, common-law partner, o kamag-anak hanggang 4th degree of consanguinity). Kasama rin ang mga adoptive parents.
“Ang pagiging magulang ay isang kolektibong pagsisikap. Ang pregnancy at childcare ay hindi lang responsibilidad ng mga kababaihan. Ang mga tatay, adopters at alternatibong tagapag-alaga ay kailangang mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng makabuluhang panahon kasama ang kanilang mga partners para masubaybayan at maalagaan ang sanggol," sabi ni Hontiveros.
Post a Comment