Saturday, December 24, 2016

Extra Judicial Killings Exhibit at Baclaran Church: Is EJK the Answer to the Drug Problem and Criminality?


Wazzup Pilipinas!
*while shopping in Baclaran* 
Me: *stops in a store* 
Sales lady: Hi ma'am! Ano po gusto nyo? 
Me: World peace! Maibibigay mo ba? 
*runs away*
Merong exhibit ang Redemptorist Church sa Baclaran of violent photos in re: EJK killings. Is this right? Korek ba sa tingin niyo ang ginawa nang simbahan sa Baclaran? Pinalabas nila na "mali ang magpatay." Okay, mali nga, bakit noong Inquisition marami din ang pinatay nang Simbahang Katoliko, including the 3 Filipino priests who opposed church's policies? The founder of the Catholic Church, Constantine the Great, was also a murderer!

The Catholic Church in the Philippines had caused the murder of Jose P. Rizal! Rizal and Graciano Lopez-Jaena (who is 160 years old today) wrote about the excesses of the Catholic Church and the "holy" orders of priests. It is not right to kill as long as you're the one doing the killing seems to be the church's motto!

Mali nga ang magpatay, pero tama ba ang ang magtulak nang illegal drugs? Hindi ba dahandahan na pagpatay rin yan ang magiging adik ka? Dapat ang i-condemn dito ay ang pagtulak at paggamit nang pinagbababawal na gamot! It is very clear na the Church is protecting the pushers and the drug lords in its recent pakulo. Ibang klase nang "lord" yata ang sinasamba nila?"

EJK has long been happening and so rampantly at that during the past administration perpetrated by DRUGLORDS towards hapless drug pushers who failed to remit their sales that the people seemed to have gotten used to it & treating it as a natural occurrence. Why is it only now that the Roman Catholic Church expressed alarmed regarding the situation? Why only now?

To #Duterte, killer cops, kill squads, and all who support #EJK or #extrajudicialkillings - may your hearts bleed!

The EJK photo exhibit outside the Baclaran church is intended to raise the awareness of the public on spate of killings still ongoing in the Philippines. However, a lot of Duterte supporters are more upset about the EJK exhibit than China installing military weapons in Scarborough.
"Ginawa raw ito ng simbahan para magising ang tao sa nakaka awang nangyayari sa mga biktima ng summary killings simula ng maging pangulo si Digong. Sabi ni Fr. Echano, inilagay nila ang photo-gallery sa Baclaran Church upang ipaalam at umapela sa publiko na ang bawat tao ay may dignidad na kahit ang mga tinaguriang kriminal ay mga tao na may karapatang mabuhay at bigyang pagkakataon na magbago."
When people deny the facts, sometimes you have to slap them in the face with the facts.

Sa opinion ko lang bilang Katoliko at taga Baclaran. . Mali ito eh.. Hindi sana Ejk graphic contents ang andito.. Wala yung Spirit ng Christmas eh.. Sana nilagay nlng dito Word of God, All about Love at thanks Giving kasi Pasko. Nakakalungkot na nagagamit kayo sa pulitika. Pero nawa sumalangit pa din ang mga kaluluwa ninyo.

Eh bakit ba pinapaskil ang mga poster na ito, dahil ba talaga sa krimen o dahil si Duterte ang presidente? Bakit hindi ninyo rin ginawa ang mga yan nung panahon ng Gloria Macapagal-Arroyo, Noynoy Aquino at mga nauna pang administration? Di ba mas karumal dumal ang sinasapit ng mga biktima kasi biktima sila ng mga adik at salot ng lipunan?
"Why don't they put the victims of drug related crimes instead? Because it doesn't serve their political agenda. Political selective morality at its worst. These politicized priests have lost their moral ascendancy. I hope Filipinos are wide awake now to realize that these are concerted programming to oust a popularly elected president."
However, we must emphasize that killing the accused or guilty is never the solution to end the proliferation of illegal drugs or criminality. This administration is too lazy to think of better ways so they just kill because they do not know any better. Lives of people, no matter how evil we perceive them, are not something we could easily take unless we do not believe in God.

But even atheists know that killing is a barbarian's way to get what we want by force.
"The current war on drugs is nothing but a ruse to fool people that our leader is a hero who painstakingly wants to finally "change" our society. However, we must remember that any acts of vigilantism, whether legally supported by the authorities or not, and never went through the due process of law, is not really heroism."
We would be better off admiring those who work on the significant moral values by raising a torch as high as they can so people can feel and see the effort to "uplift, inspire and educate" towards a better society.

We don't need this horrible "purging or "cleansing" of society.

Sang-ayon ba kayo sa ginawa ng Baclaran Church sa pagdisplay ng alleged victims of EJK?

Mas maganda siguro ilagay din ang sumusunod na picture sa labas ng Baclaran church.

1. Huwag mangalunya. (Blurred screen cap photo of De Lima's Sex Video)
2. Photos of De Lima with the drug lords (Burnham park photo and De Lima's photo with Jayvee Sebastian)
3. Epekto ng droga sa mga pamilya
4. Krimen mula sa mga lulong sa droga
5. SAF 44
6. Huwag pumatay- Mamasapano Massacre
7. Huwag magnakaw- Yolanda Funds

May gusto pa kayo idagdag mga kaDDS?


"Kaya nakatuon sa EJK ang exhibit e precisely dahil maraming Pilipino, kahit pa nga mga naturingang edukado na, ang nagdiriwang tuwing may kababayan silang bumubulagta sa bangketa gabi-gabi, kesehodang totoong adik o hindi.

'Yan ang nakakabahala at pinoprotesta ng mga Redentorista at mga kapanalig nila. Hindi naman kasi nangingilala ang bala kung sino ang halang ang kaluluwa sa hindi. Gets?

Porke kinokondena ang pagpatay sa mga "nanlaban" sang-ayon agad sa ginagawa ng mga adik? Anong klaseng lohika 'yan? 'Di ba puwedeng kinokondena pareho?

'Wag n'yong iassume na pagpopost lang ng EJK-related pics ang inaatupag ng mga Redentorista. Nasaan ba kayo habang kinakalampag nila ang mga may-ari ng malalaking minahan, kinakanlong ang mga Lumad at survivors ng Yolanda, nananawagan ng paghinto sa labor contractualization, tumutulong sa mga OFW, kinakalinga ang mga babae at batang inabuso--at yes, mga rape victims.

Kailangang bigyang-diin ang pagtutol sa EJK dahil kapag Estado na mismo ang pasimuno sa paglabag sa mga karapatan ng mamamayang tungkulin nitong protektahan, wala nang krimeng imposible. Itanong n'yo 'yan kina Hitler, Stalin, at Marcos.

Mga bes, ang pinakanakakatakot na adiksyon e hindi adiksyon sa droga, kundi adiksyon sa kapangyarihan."

No comments:

Post a Comment