Wazzup Pilipinas!
Here is the opening statemnet of newly-elected Senator Risa Hontiveros during the Senate Committee on Justice and Human Rights Hearing on Extrajudicial Killings
"Magandang umaga sa ating lahat.
Ang yumao kong asawa ay isang pulis. Alam ko ang nadaramang takot at pangamba ng mga katulad kong babae tuwing ang kanilang mga mister o partner ay papasok sa trabaho upang gampanan ang kanilang tungkulin. Hanggang ngayon, tanda ko pa ang pang-araw-araw na pangamba, kahit noong magkasintahan pa lang kami, paano kung siya ay mapahamak, o magbuwis siya ng kanyang buhay sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin?
Naranasan ko rin ang sakit na mawalan ng asawang pulis. Bagama't ang aking asawa ay hindi pumanaw sa engkuwentro, siya ay binawian ng buhay sa gitna ng kanyang assignment at malayo sa amin.
Sa mga kababaihang asawa o partner ng mga pulis, at sa ating buong kapulisan, hangad ko po ang inyong kaligtasan at panatag na loob ng inyong mga pamilya. Makakaasa po kayo sa akin, makakaasa si PNP Chief Doroy Dela Rosa, ang Mistah ng aking yumaong asawa. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya bilang Senador upang masiguro ang inyong kaligtasan at maprotektahan kayo sa panganib sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Kasama ng maraming mga mamamayan, hangad ko na magtagumpay kayo at magkaroon tayo ng mapayapang bansa.
Pero sana maintindihan din po ninyo na gagawin ko rin po ang lahat ng aking makakaya upang ipagtanggol ang karapatang pantao ng bawat mamamayan. Ito po ay isang tungkulin na ating sinumpaan, lalo na ng ating kapulisan.
Ang ating kampanya laban sa droga ay hindi dapat mauwi sa simpleng pagbibilang ng mga napatay. Dapat ang sukatan ng matagumpay na kampanya laban sa droga ay ang pagdami ng bilang ng mga buhay na napabuti, naituwid at nailigtas. The war on drugs should not be reduced to killings. It must be a just campaign to promote new beginnings.
I believe that in the government's war against drugs, we cannot play gods and decide whose lives matter and whose lives don't.
Sabi nga, "ano ang sukat ng halaga ng isang buhay"? Paano natin tinitimbang ang buhay na mahalaga, at ang buhay na pwede na lamang balewalain at pwedeng kitilin? Ano ang batayan na magsasabing ang isang buhay ay may silbi pa at ang isa nama'y wala nang pag-asa? Sino ang lalagyan ng cardboard o sunod na ilalagay sa kill scoreboard?
Hindi lang iisang tao, o iisang grupo, ang may kapangyarihan na husgahan ang kapwa Pilipino. May justice system ang ating demokrasya. Mabagal man o may kahinaan, hindi ito pwede isantabi. Dito po dapat patas na tinitimbang o sinusukat ang paglabag sa batas, at sa makataong paraan po ipinapataw ang karampatang parusa.
Madam Chair, to the PNP leadership and to all the guests of this committee today, we must shift the focus of this war on drugs from vendetta to real justice, from shortcuts to reforms, from punishment to treatment, from mere killing to healing. This approach is not only restorative and just, it is also the more humane path. Let us not lose our humanity in the face of fear and barbarity." - Senator Risa Hontiveros

TV Ears is an example of an infrared wireless ALD; the transmitter is plugged into the audio out connector on the TV and headphones which contain the receiver can be used up to 50 feet away with line of sight. The headsets have a volume control. Systems start at $130.00.custom hearing protection
ReplyDeleteEar diseases rate truly high on the scale for hearing disability.visit website
ReplyDelete