Wazzup Pilipinas!
It was a tiring but blessed day. We do this every year during Good Friday, and this time it was very special since all seven churches we visited had special and significant meanings in our lives that will forever be a part of our "unforgettable" memories.
Yes, there are memories that are slowly fading away that they are almost forgotten, but there are still those that remain strongly immortalized into our minds because they also have an intimate place in our hearts. I believe that when both mind and heart are in unison, everything else follows and become a lifelong rhythm or melody that will forever be reverberating in our ears like soothing or vibrant music.
Nakaka-LSS naman talaga. Kapag kasi ikaw ay masaya, lagi kang mapapakanta sa tuwa. Lahat ng pangyayari sa iyomg buhay ay may halaga, may katuturan, may natatanging katangian, na dapat ipagmalaki at ipangalandakan dahil nais mong ibalita rin sa iba ang iyong kasiyahan. Hindi upang ipagyabang, kundi para ipadama na dumarating talaga ang grasya sa mga taong nabubuhay ng marangal at tunay na walang itinatago, walang halong pagkukunwari, walang pakitang-tao lang.
Ngayong Semana Santa, sana ay makilala natin ang mga "pretentious" sa paligid-ligid. Ngunit imbes na sila ay talikuran, ipagtabuyan, pagtawanan, at kamuhian, mas nararapat na sila ay ating yayaing sumama upang magkaroon sila ng pagkakataong magbagong buhay tungo sa wastong landas - hindi sa daang matuwid dahil wala naman talagang ganoon - kundi sa daang lubak-lubak pero sama-sama naman nating tinatahak. Kalokohan ang magyaya sa daang matuwid dahil ang buhay ay kailanman hindi magiging perpekto hanggat mayroong nais mangibabaw sa iba.
Habang dumadami tayo na pilit dinadaanan ang daang mahirap tahakin ay darating din ang araw na ang lubak na daan ay mapapatag rin. Dito sa ating pagpupursigi,ang makikinabang ay ang susunod na henerasyon - ang ating mga anak, apo, at ang kanilang kanya-kanyang mga anak at apo rin.
Just as how we believed the one who let himself be crucified on the cross because he wanted to save us from our sins, halina at mag-iwan tayo ng mas kahanga-hangang ala-ala para sa magandang kinabukasan. Let us leave a legacy where we will be remembered, as the one who sacrificed being bashed, bullied, and persecuted because we wanted to save our fellow men from further danger. Let us all change the world for the better.
Wala ka ngang kaaway, pero ang dami mo namang ipinahamak na tao for promoting or supporting worthless people, products, services, brands, companies, etc.
To all the "pretentious" leaders, influencers, bloggers, journalists, broadcasters, editors, etc., there is still hope for you all dahil marami pong opening sa fiction writing at teleserye script-writing departments ng mga media outfits....lalo na sa mga sitcoms. gag shows, or stand-up comedies. At least there, you would all be really comfortable making up your expertise - fabricated, half-truth or comical stories!
No comments:
Post a Comment