BREAKING

Tuesday, March 1, 2016

Blessed to Be Among the Selected Few


Wazzup Pilipinas!

Lol. I was laughing out loud after reading this.

"Sheesh!!!...Huwag mong ipagyabang na marami kang backlogs or pending tasks dahil ang ibig sabihin niyan ay mabagal ka o mahina ang utak para makagawa ng mabilisan.

Yung tanggap ng tanggap ng trabaho pero hindi naman pala kayang gawin lahat agad ay buwakaw at sugapa naman ang tawag diyan.

Huwag ring ipagkalat na marami kang na-decline. Gusto mo bang malaman ng iba na hindi sila kasing importante ng mga in-accept mo? Sasama lamang ang loob nila sa iyo at baka masabihan ka pang "Ang hina ko naman sa iyo."

Yung maraming oportunidad, mas mabuti pang ibahagi mo na lang sa iba kung hindi mo magagawa lahat para may makinabang naman at hindi mapunta sa wala.

Pero ingat rin kung kanino mo ipapasa dahil baka pangalan mo naman ang masira. Marami rin kasi diyan na paaasahin ka lang at magkukunwaring mangmang kapag hinanapan mo na ng kanilang obligasyon.


Ano ba ang nais kong iparating sa iyo?

Magpasalamat na lamang na ikaw ay pinagpala. Please do not look down on others that do not have the same blessings. Do not even make it sound that you are fortunate to be among the selected few. Alam naman natin na "It's not always about being you. Most of the time, it's about being at the right place, at the right time, and knowing the right people, can also get you opportunities. 

A lot of people get the job even though they are not the most qualified for the task. Kung bakit ganyan ang nangyayari ay "Alam na." Huwag na po tayong magtaka at magulat kung paano niya nagawa iyon. Ang intindihin mo na lang ay sarili mong buhay. 

Sa panahon ngayon ay hindi lang talino at matataas na grado sa paaralan ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Magsikap ka at gumamit ng abilidad. Pero huwag kalilimutan na hindi lang karangyaan sa mundo ang tanging makakapagpasaya sa iyo. Madalas ay yung pinaka-simple pang bagay ang tunay na magbibigay ng halaga kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito.

Maraming makaka-relate dito. Hehehe


*Photo credits to Art Fair Philippines' participating artists and galleries

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT