Sunday, August 30, 2015

The Tale of the Three Presidentiables: Senator Grace Poe's Statement on the INC Protests


Wazzup Pilipinas!

"I am actually happy that this INC rally aimed at protecting their leaders from the laws of our country happened now that the elections are just around the corner. You can clearly see the difference between our 3 Presidentiables. While Binay and Poe made statements to protect and defend the INC, Roxas quickly emphasized the importance of rule of law and stressed that while he respects the right of the INC to express their sentiments, the practice of this right should not impin...ge on the rights of other Filipinos.

Now, do we want to have a President who will turn a blind eye on enforcing justice and the laws of our country just to please a noisy minority who threatens our political leaders with their alleged bloc voting powers in 2016 or a President with strong political will to enforce the rule of law and protect the rights of the silent majority?

Alam niyo na kung ano ang tamang sagot dito, let your vote in 2016 do the talking." - Harvey Keh

"At least now we know that Grace Poe has no backbone, what a difference a month makes. The surveys, all of a sudden, transformed her into this prima dona. And I thought that she and chiz were a bad match, they deserve each other, taking turns blowing hot air into each others big heads. Turned off."- Vanni Guzman

"Salamat sa payo mo, bro! Looks like I will now have to strike Poe, my original bet, out of my list of people to vote in the next elections and go for Roxas instead. VP Binay has never been and will never ever be able to taste a single vote from me. Same goes with Chiz Escudero." - Marlon Tecson


SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
August 28, 2015 (Nueva Ecija)

Q: On INC...

Poe: Kasi alam mo unang-una hindi ba ako’y nakikiramay sa marami nating mga kababayan. Alam ko lalo na ‘yung pinagdadaanan nila. Kasi sa hustiya natin sa atin, marami ang nakasampa ngayon sa DOJ. Ihihingi pa natin ng resolusyon. Alam ko hindi madali. Kaya pati na rin sa SAF44 na ngayon hinihintay natin. Siguro mas makakabuti, dahil alam ko naman si Sec. De Lima, sabi nga niya ginagawa niya yung kanyang trabaho, ay humarap siya sa mga tao na nagra-rally. Mahinahon at i-eksplika, kung ano ba’ng sitwasyon bakit nangyayari ng ganun. Kasi after all, kami naman ang nasa gobyerno ang responsibilidad naming ay maipamahagi ng maayos sa ating mga kakabayan, bakit ganun ang aming mga hakbang sa pamunuan.

Q: Pero sa tingin niyo po ba dapat hawakan ng DOJ ang kaso?

Poe: Alam mo sa totoo lamang, maraming inaasikaso ang DOJ. Para sa akin hindi ko alam talaga lahat ng detalye tungkol diyan. Siyempre magtataka ka rin bakit ang tutok doon, samantalang, halimbawa yung ibang mga kaso ng gobyerno wala naman silang witnesses pa, na naka-hold. Halimbawa, tinatanong ko mayroon na ba kayong nakuha doon sa Mamasapano massacre? Mayroon na raw mga inimbestigahan pero wala pa namang naka-witness protection at least, sa pagkakaalam ko.

Q: Mayroon po bang fallback ang Liberal Party in case Grace Poe decides to run for president?

Poe: I’m sure naman lahat ng partido ay naghahanda sa kahit na ano’ng contingency.

Q: Ma’am yung sa INC, even if may kidnapping issue dapat ba hindi makialam ang DOJ?

Poe: Depende kasi sa lakas ng kaso. Pagdating kasi, I think dapat transparent. Ang pagkakaalam ko ng issue, ito’y isang saksi sa taong nakidnap. Pero yung tao nakidnap diumano ay nandoon naman. Hindi ba free? So ako kasi hindi ako parte ng DOJ, gusto ko rin malaman. Kaya nga sinasabi ko, tama yung sinabi ni secretary kung ginawa niya ang kanyang trabaho. I-eksplika niya sa taumbayan kung anong merits ng case. Pero alam mo, huwag rin nating mamaliitin ang importansiya ng relihiyon. Para sa akin ang mga tao na yan ang dinidepensahan nila ay ang kanilang paniniwala. Nirerespeto natin yan at kailangan pangalagaan din ang kanilang mga karapatan. Thanks guys. #

No comments:

Post a Comment