Saturday, April 18, 2015
PNoy Says to the Youth: Books First Before Facebook and Clash of Clans
Wazzup Pilipinas!
Political matters muna bago celebrity weddings and TV guestings. Inuna muna sana ang mga SAF44 Fallen Heroes instead of going to a car plant visit.
Tama naman po ang payo mo Mr. President pero sana din may mga books na mabubuklat ang mga estudyante para basahin..pero sad to say. ...kulang-kulang po ang mga books sa public schools kasi yung budget ay nasa bulsa ng tiwaling pulitiko.
Excuse Me! Hindi na po uso ang pagbabasa ng libro dahil may Google na po. It knows (has) almost everything! Madali at mas maraming makukuhang information from different sources at less time consuming and work dahil we don't need to spend hours in the library or to photocopy certain portions of the book just to do research.
We also use Facebook to keep in touch and for group efforts. Since everyone has a Facebook account, it is easier to organize and keep ourselves updated and informed instead of SMS, email, call or actual meet-ups.
Ang library din ngayon ay parang museum na. It now exist just to preserve our culture. Once in a while we get to visit and open some new books.
Also, it isn't advisable in our poor economy to purchase books when we can download e-books much cheaper and save them better. We also preserve nature since we don't need to cut down trees for the paper requirements.
Pero naglalaro po ako ng Piano Tiles, Temple Run, Flappy Bird at Candy Crush after doing my research and study online. Sabi nga nila, all work (or study) makes a man dull and unhappy.
OK din sana kung may mga kompletong library ang mga public schools.....kesa nasasayang ang pera sa mga walang kwentang bagay.
Bakasyon na ngayon. Halos lahat na ng estudyante ay nagbabaksyon na. Bakit kung kelang walang pasok, nagpapayo ka ng ganyan. Pero nung may pasok, hindi mo ginawa yan. Unahin mo muna ang pagpapadagdag ng mga maaayos na classroom, teachers, libro, dagdag na sahod ng mga guro at pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa bago ka magsalita ng ganyan. Puro ka lang salita. Gawan mo muna ng solusyon at ipakita mo na may nagawa ka bago ka magsalita. Pinagtatanggol ka pa ng kapatid mo kahit na mali ka na.
Mahal na pangulo unahin muna natin ang ugat ng problema, baguhin ang sistema, tanggalin ang contractualization, bawasan ang kapangyarihan ng mga negosyante, kapag may maayos na trabaho makakapag-aral ng maayos ang mga bata, kapag nakapag-aral magkakatrabaho ng marangal, mababawasan ang krimen ng bansa, maiiwasan ang kumapit sa patalim, k-12 gawin nating k-9, etc....
Unahin mo at pakinggan amg nakararami bago amg kapakanan ng kukunti lalo na sa BBL madami tumututol huwag mo hayaang maki-alam ang Malaysia at ang agawan sa West Phil sea. Iyan ang asikasuhin mo at di kung ano-ano.
Linisin mo muna bakuran mo bago mo ituro ang dumi ng nasa kapitbahay mo... Puro ka kasi sisi ng sisi.
Magpakalalake at tanggapin ang pagkakakamali kesa manisi at sabihin ang kabutihan na nagawa ng mga magulang mo.
Practice what you preach. Di ba mas maganda?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Post a Comment