Saturday, December 13, 2014
Rumors, Issues and Scandals in the Blogging Community
Wazzup Pilipinas!
Napapanahon na ating pag-usapan ang tungkol sa mga rumors, issues at scandals sa blogging community dahil sa mga kumakalat na blogs at trending na usapan sa social media na maaaring makasira sa pagkatao ng ilang individual. Ang timeline ko ay puno ng usapin tungkol sa mga nakataang mga pangyayari na involved ang ilang bloggers at ang karumal-dumal nilang karanasan.
Hindi yata umuubra ang pananahimik. Silence may be interpreted as acceptance of our fate. One the other hand, it may mean being guilty because we offer no words to reason out. Kapag naman nagbigay ka ng paliwanag ay binibigyan ng ibang kahulugan o nang-uungkat ng ibang issues na wala namang kinalaman sa pinag-uusapan.
Ang sabi nga nila, pag mahina ang defense, gamitan ng offense. Maglabas ng sangkatutak na issues na ikasisira nila, tutal mahina ang latest issue so gawa tayo ng listahan ng mga ginawa nila, halungkatin ang nakaraan, exaggerate it, maglagay ng kulang-kulang na impormasyon, haluan ng fiction, tambakan ng katatawanan, kalimutan ang katotohanan, at ipagkalat sa lahat ng taong easily gullible.
Kung isusulat nating lahat ng nalalaman nating baho about other people who say bad things about us ay ilang buwan siguro tayo nakatutok sa computer sa dami ng instances.
Hay, naku! Masalimuot ang mundo ng isang blogger. Marami raw pakitang-tao, marami raw sipsip, at maraming gagawin ang lahat dahil sa matinding pangangailangan. Marami rin ang sadyang nananahimik at walang pakialam dahil ayaw madamay o mabigyan ng kulay. Marami ang nais pumagitna lamang pero ang issue ay papabayaan.
Isusulat ko ba ang tungkol sa mga taong ilang beses pabalik-balik para kumuha ng loot bag? Isusulat ko ba yung tungkol sa grupong pag may event ay kasama ang boyfriend, asawa, kaibigan, kapamilya, o hakot ang buong barkada? Isusulat ko ba ang tugkol sa sangkaterbang misrepresentations para lang maka-attend sa isang event o maka-iskor ng isang hotel staycation? Isusulat ko ba yung mga taong bukod sa kinain ay may take-out pa na food from the event? Isusulat ko ba tungkol sa mga dumarating ng late at uuuwi agad at di tinatapos ang event once na makakain at makuha na ang press release at loot bag? Isususlat ko ba ang nakakaawang kalagayan ng ibang blogger sa kamay ng mga bastos, abusado at pabayang PR at event organizers?
Ang dami ko pang nadiskubre at na-witness personally pero nanahimik na lang ako. Dahil kahit ganoon naman sila ay siguro ay may matinding dahilan kung bakit. May mga positive sides naman sila at patuloy naman yata silang naiimbita...so bakit ko pakikialaman kung saan sila masaya?
Kaya masakit pag ikaw ang siya namang pagbibintangan ng mga kabalastugan, pero yung totoong gumagawa ng kalokohan ay patuloy na umaaligid-aligid para sa susunod nilang biktima. Hala! Basahin nga ninyo ang kanilang mag blog, at tingnan kung may kuwenta.
Ang hindi nawawala ay ang mga kuwentong negative about each other. Kahit yung mga sikat at popular na blogger ay may kasiraan akong nalalaman based sa mga kuwento ng ibang bloggers din.
Ang nakapagtataka ay kung sino pa ang nagsasabing nais nilang maging mas maganda ang komunidad ay sila pa ang nagunguna sa paninira ng walang pruweba. Sila pa ang naglalabas ng mga chismis against other bloggers. Ganoon ba talaga ang magpatino ng kapwa blogger? Sirain mo reputasyon sa pamamagitan ng online public shaming? Kung lahat tayo ay magsisiraan ay wala ng matinong tao sa balat ng mundo. Lahat na lang ay may kapintasan. Lahat na lang ay may baho.
Alam nating lahat na kapag puro salita at ngawa lang ang gagawin natin ay walang mangyayari. Lalo lang tayong nagpapalala ng issue. Lalo lang nating sinisira ang reputasyon nating lahat. Kapag siniraan mo ang kapwa mo blogger ay sinisira mo ang komunidad kung saan ka napapabilang.
Hindi ba pwedeng imbes na manira ay gumawa na lang ng paraan kiung paano ang mga napapariwara ay maisaayos ang kanilang tinatahak na landas? Hindi ba mas maganda na mamagitan at gumawa ng paraan par mapanumbalik ang nasirang samahan. Ang ayaw ko sa ibang naturingan veteran ay wala silang pagnanais na maisaayos ang aming komunidad. Ang nais lang nila ay itakwil ang mga involved sa tiwaling gawain kahit walang nangyaring pag-uusap o imbestigasyon tungo sa katotohanan.
Nakakaawa yung mga madaling maniwala sa sabi-sabi dahil wala raw silang bait sa sarili.
But because we are civilized, and we have that respect still within us, we should mostly keep our hatred to ourselves and look into the more positive traits of the people.
Kahit ano pa ang gawin natin ay walang perpektong tao. Wala tayong makikitang super-bait sa mundo especially from those that spread unverified rumors against other people.
Kung totoo naman talagang may pagkukulang ang isang tao ay lalabas rin ang mga yun eventually at magkakaalaman sa bandang huli kung sino talaga ang may sala. Hyuwag po tayong magkalat ng paninira kung di po natin na-witness personally ang mga pangyayari.
The best way to show you are better than the rest is to keep on doing what is right regardless of the controversies your detractors spread.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Post a Comment