Sunday, December 14, 2014
Let's Take It Offline: A Much Needed Break from the Online World
Wazzup Pilipinas!
A PR approached me yesterday and shared his deep concern of what some bloggers are doing. He said a lot are doing rants against each other, backstabbing, spreading rumors, cursing, etc. He emphasized that these are the reasons why some organizations are still hesitant to invite or partner with bloggers because of the ill behavior some bloggers are showing towards each other in the blogging community. Lack of respect and courtesy. Iisa ang mundong ginagalawan natin pero tayo-tayo rin ang nagsisiraan. Ipinapakita natin sa public ang isang parte ng ating komunidad na hindi kaaya-aya at lubhang makakasira sa ating lahat.
Let me reiterate. He did not mention any wrongdoing of individual bloggers but what bloggers as a whole are doing against each other - spreading negativity about the blogging community specifically through online and social media rants. May pinariringgan, may pinatatamaan at walang humpay na pagrereklamo. Ang impression tuloy ng iba ay tayo ay nagiging sobrang antipatiko, kunsintidor, mayabang, materialistiko, walang utang na loob, makapal ang mukha, inggitero, at kung ano-ano pang malalaswang kaugalian na dapat sana ay maiiwasan kung hindi tayo mismo ang nagkakalat.
Mas nakakairita ang mga taong lalo pang pinaiigting ang galit ng threadstarter. OK lang magbigay ng simpatiya pero kapag ikaw ay kumampi, naniwala ng agad-agad, at ang mas masahol ay nagalit rin sa taong pinatatamaan ng iyong kaibigan, ay higit ka pang nagdulot ng mas matinding yurak para lalong maging magulo ang inyong mundo. Bakit kamo? Dahil imbes na iilan lang ang nag-aaway ay dumagdag ka pa.
This does not apply only to the blogging community but for every group or organization.
Kahit walang kinalaman ay nakakaalam tuloy. Imbes na maituwid ang mali ay lalong lumalala dahil ang pagnanais ay makasira at hindi maisaayos o mapagbati. Kung mayroon man tayong ibang motibo or personal na galit, dapat nating malaman na lalabas rin eventually ang katotohanan. Walang mali at pagkukulang na forever maitatago. Tandaan ninyo iyan.
If we really are concerned about the blogging community, I believe it is high time we stop the online spreading of rumors against each other and instead resort to a more favorable personal meetup where a third party can mediate to resolve the rift among us. Walang bagay na hindi nareresolba sa "maboteng" usapan. Pwede rin naman magkape or milk tea kapag hindi nainom.
Sabi nga ni John Lloyd Cruz sa isang interview "Mahirap kasing seryosohin kapag idinaan sa social media or Internet." Lol. Lalo lang nating pinagugulo ang mundo natin sa pagdaragdag ng problema.
Lahat po tayo ay may kanya-kanyang paniniwala, may sariling interpretation of what a blogger should be and how he or she should act as a blogger, may kanya-kanya rin tayo side of the story kapag nagkaroon ng pagkakataaon ng di pagkakaunawaan. Pero ang pinakamabisa talagang paraan para maisaayos ang mga suliranin ay ang personal at harap-harapang usapan kung saan makikita natin ang sincerity ng isat-isa.
Marami po kasing nagawang mabuti ang social media para sa lahat, pero ito rin ay nagdudulot na pagkakahiwalay ng tunay na emosyon at damdamin dahil sa ibat-ibang interpretation na pwedeng mangyari as compared to a more personal and intimate discussion where we can see each other face-to-face.
Masyado kasi tayong matapang kapag nasa harap lang tayo ng computer o smartphone/tablet/phablet natin, pero karamihan sa atin ay duwag or nahihiya naman kapag harapan.
I know I am also guilty of ranting against others in many occasions, and I regret doing so. From now on, I am encouraging everyone to just spread good vibes online and discuss the less flattering incidents offline.
No comments:
Post a Comment