Friday, November 21, 2014

Task Force Pride Philippines Presents "All Families Day: Different Families, Same Love"


Wazzup Pilipinas!

Task Force Pride Philippines (TFP) is a volunteer-managed, non-partisan, and a not-for-profit network of  Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders (LGBT) individuals, and are the same people that organizes the annual Pride March in Metro Manila.

Sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng Metro Manila Pride ngayong taon, inilunsad ng TFP ang temang “Come Out for Love: Kasi Pag-Ibig Pa Rin,” bilang paalala ng pag-ibig at paglaban na nagsimula at nag-aruga ng 20 taon ng pag-oorganisa ng mga LGBT na komunidad para sa pantay na mga karapatan.

Kasama sa mga kaganapan na inoorganisa ng TFP nitong Pride season na ito ay isang All Families Day na pinamagatang “Different Families, Same Love.” Gaganapin ito ngayong ika-22 ng Nobyembre, Sabado, 3:00nh hanggang paglubog ng araw, sa HARDIN NG MGA DIWATA, UP College of Arts and Letters, UP Diliman. Isa itong picnic na sinisikap ipagdiwang ang iba’tibang klaseng porma ng pamilya, mapa-dalawaang ina o ama, o tig-isa; sa dugo man o sa kasaysayan ang dulot ng pinagsamahan.

Sa pagkilos na ito, gusto naming anyayahang dumalo ang inyong organisasyon para sa isang hapon ng kainan, mga laro para sa mga bata at mga nakatatanda, at saya kasama ang ating mga kapamilya. Partikular naming iniimbitahan ang inyong organisasyon dahil layunin din naming i-engage ang mga pamilyang nagmumula sa grassroots communities. Kaakibat ng layuning ito, kami ay handang mag-sponsor ng tig-17 na tao mula sa tatlong organisasyon para sa salu-salo. Kung makakadalo ang inyongorganisasyon, kakailanganin lang naming ang inyong kompirmasyon at isang listahan ng mga pangalan isang lingo bago ang event, sa November 15.

Kung kayo ay may mga katanungan, handaang Community Mobilization Committee para maglinaw. Maaari kaming kontakin sa text o tawag [09277451884], o maaari rin kaming i-email sa metromanilapride@gmail.com.

Maraming salamat. Aantabayanan naming ang inyong butihing sagot.

3 comments:

  1. There may be different types of family but the definition of a family is still the same. LGBT individuals deserve respect from other people and like us, they also have the right to build their own families.

    ReplyDelete
  2. Task Force Pride Philippines is doing a great job by introducing this to the Filipino people. Though it isnt arguable that there would always be close minded people when it comes to talking about such complicated matters such as these. I have to say that no matter what kind of family there is, they still deserve to have their own family and be able to adopt children (when it comes to same sex love) , We should respect the choices of people and the next time we see a family such as these, we shouldnt question them or make a face and treat them differently, but accept them as these things should be considered a normal reoccurrance to our society today.

    ReplyDelete
  3. This is a new way to introduce the different set-up each person has with their own families. It doesn't matter if the definition of a family does not apply to what type of family you have, what matters is that you feel loved and secured within your family. A family would always be there to guide you when you fall and to back you up. There isn't a rule that states that a family must have certain members only.

    I salute you TFP!

    ReplyDelete