Friday, September 12, 2014

Pulso ng Pilipinas: Siksik, Liglig at Umaapaw Ngunit Masikip, Madungis at Umaalingasaw


Wazzup Pilipinas!


An sabi ni PNoy, and malubhang kondisyon daw ng trapik ay senyales ng isang progresibong bayan. Ikaw ba ay sang-ayon?

Mukhang kahit saan ka lumingon dito sa Metro Manila ay siksikan. Magmula sa isang barangay na nagkalat ang mga bahay na dikit-dikit at halos dingding na lang ang pagitan sa nakararami lalo na sa mga squatter areas, hanggang sa sakayan ng traysikel na kayhaba ng pila, pati pagsakay ay pinipilit nilang isiksik ang tao sa napakaliit na espasyo. Ang dating apatan lang, ngayon ay animan na. Wala na silang pakialam kung ikaw ay komportable pa, ang mahalaga ay kumita sila ng extra.

Kahit sa mga jeepney ay pilit pa ring pinauupo kahit halos kalahati na ng pwet mo lang ang kasya. Ang matindi ay may sabit pa sila sa likuran. Mga paraeng drayber alam naman namin na gusto ninyong kumita pero bulag ba kayo sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pangangatawan?

Sa mga bus kahit wala ng madaanan sa gitna ay pilit pa rin pinatatyo ang mga tao. Kahit alam nilang mahihirapan sa pagbaba dahil walang madaanan ay OK lang sa kanila basta tumaas ang pasada. Mamang kundoktor, halos ikuskos mo na ang yong sarili para lang makadaan sa gita at makapangoleta ng pamasahe, pero bakit panay ka pa rin ng papasok ng pasahero? Ano ba akala mo sa amin, si plastikman?

Sa mga MRT at LRT ay halos hindi ka na makahinga. Pati mga pawis ninyo ay nagdidikitan na. May pagkakataon png hindi ka makababa dahil siksikan at ayaw gumalaw ang mga nakaharang sa daanan. Kung di lang walang trapik dito ay hind kami sasakay. Well, mas mabuti na rin sigurong mag-amoy suka, kaysa pumuti ang buhok sa tagal ng trapik.





Ito ba ang ibig sabihin ng progreso? Bakit magkukumahog ang mga tao na umabuso, ipagwalang-bahala ang seguridad at kaayusan, at magsamantala sa kapwa kung sila ay umaasenso? Hindi nba yan ay senyales ng kakulangan ng pagkukuhanan ng kabuhyana, at halos kawalan ng pag-asa? Ang mga tao ay hindi mag-iisip na gumawa ng kalokohan kung busog at masagana ang pamumuhay....maliban na ang siguro sa mga totoong ang layunin lang sa nuhay ay nakawan ang kaban ng bayan.

Maraming gumagawa ng kalokohan dahil obviously ay hindi sapat sa kanila ang kanilang kinikita, or sadya ba talaga tayong mapusok at gahaman?

Panay kabig at walang pagbibigay. Kaya tayo ay hindi umaasenso ay dahil hindi na tayo maka-tao. Bakit ba tayo nabubulag sa pera at materyal na bagay? Bakit hindi tayo makuntento sa sapat at nararapat?Bakit kailangan tayong magnais ng hindi sa atin? Bakit tayo nangangarap ng kasaganaan ngunit wala naman tayong kakayahan na ibigay sa ibang tunay na nangangailangan?

Bakit tayo pumapayag na isiksik sa isang napakasikip na bagay? Karapatan nating hangarin ang mas makataong pag-trato. Hindi tayo bagay sa nasikip, madungis at umaalingasaw kung ang sinasabi sa atin na ang kayamanan ng ating bansa ay siksik, liglig at umaapaw.

Ang bayan kong Pilipinas, lubos kitang minamahal. Wala akong hinangad kundi ang iyong kabutihan, ngunit sa paligid ko ang karamihan ng nga tao ay sadyang mangmang. Turuan sana namin ang aming mga sarili na mautong ipaglaban ang aming karapatn dahil naniniwala kami na kapag ang kasuwapangan ay patuloy na pagbibigyan, wala ng katapusan ang kanilang pag-aalipusta.

Ipagdarasal po namin sila.

No comments:

Post a Comment