Wazzup Pilipinas!Hindi po ako ipinanganak na mayaman ang mga magulang. Hindi rin po ako guwapo kaya kalimutan na ang pag-aartista. Hindi rin po ako pwedeng basketbolista dahil maliit lang po ako, hindi rin po ako napaka-talino para makaimbento ng isang miracle drug na cure for cancer. Hindi rin po ako marunong kumanta kaya hanggang sa banyo lang ako nagko-concert.
Sadyang simpleng mamamayan ng Pilipinas lamang po ako. Sabi ng iba ay kabilang sa nakakaraming masa. Walang lahing banyaga at purong Pilipino.
Pero pilit pong nagsumikap ako kahit kakaunti ang oportunidad para sa katulad kong simpleng tao. Isang katangiang Pilipino na aking ipagmamalaki ay ang sipag at tiyaga - pero huwag ninyo namang isipin ang isang pulitiko dahil hindi ko po gawaing maligo sa dagat ng basura.
I've been everywhere, several times, paulit-ulit sa iba't-ibang sulok ng bansa....even outside the country... Hindi pa ako blogger during those younger years. I just go where I please. I just do whatever I want.
Ngayon ko lang na-appreciate ang tunay na beauty of the Philippines dahil I now write about them. It is only recently that I've seen my efforts being rewarded and recognized. What is more fulfilling to know is that I am able to help others with my advocacy. The many thanks and gratitude towards my work are endless, enduring and touching.
How I wish I was able to immortalize my previous travels into what we call now as a blog. Palagay ko ay mapupuno ang host servers ng mga documentations, photos and videos... The stories of my naughty and nice adventures are numerous and overwhelming. Sayang at hindi ko ito maibabahagi sa pamamagitan ng mga litrato at video, pero ang alaala ay narito pa rin naman at pilit uungkatin habang aking ibinabahagi ang mga bagong kuwento at pakikipagsapalaran ng buhay ko.
Salamat sa isang napakagandang Pilipinas. Nag-iisa kang paulit-ulit na tatangkilikin higit pa sa ibang bansang mapasyalan. Marami mang problema at kakulangan, ikaw pa rin ang aking uuwian.
Masaya ang maging blogger kahit napakarami ring issues at controversies dahil hindi maiiwasan ang mapuna ng kapwa bloggers din.
Iyon ang nakakagulat. Dahil imbes na maging suportado sila sa kapwa nila ay pilit pa rin ibinabagsak makarinig lang ng isang mapanirang bintang o balita. Hindi man lang magkusang alamin kung ano ang mga detalye ng balita. Hindi man lang mag-take ng initiative to ask the person involved. Basta-basta na lang naniniwala sa sabi ng iba.
Di ba may kasabihan tayo na ang taong naniniwala sa sabi ng iba ay masahol pa sa malansang isda? - Ehehehee..Lol.. Seriously, dahil sa Internet ay napakaliit na ng mundo, kayang-kaya nating makipag-usap ng maayos sa kapwa natin kung gugustuhin para imbes na makipag-away ay makipag-ayos na lang tayo para sa ikagaganda ng mundo.
Maraming pagkakataon pa para ikaw ay maging isang taga-suporta ng mga kumpanya sa pamamagitan ng pag-blog sa kanila. Maraming oportunidad dahil ang larangan ngayon ay presence sa online world. Kapag hindi ka nakikita sa mundo ng Internet, ay para kang isang invisible man. Kaya ang mga kumpanya ay may mga online strategies na at kabilang doon ay ang pagkuha ng mga bloggers.
In an ideal world, businesses should not be the one to reach out to bloggers. If their products and services are good enough, bloggers should be eager and aggressive enough to make the first move.
But in the real world where there are too many brands to blog about, businesses would get an edge and advantage if they partner with bloggers for information dissemination and product promotion.
But these partnerships should not be done via flea market style. Brands should be highlighted one at a time and not simultaneously. They should not be buying time from an organizer to seemingly compete against each other just to get the attention of the bloggers.
Brands should know better that quality reviews and features can only be acquired from a few dedicated bloggers and not from a multitude of bloggers who won't even finance their own domains.
I'm not saying that the vast number of free blogs are inferior. What I mean is I would prefer to get the services of a few bloggers who make the effort to create stable, solid and planned infrastructures rather than the fly-by-night quickies.
Nowadays, anyone can be a blogger, but only a few know how to blog.
Nagpapasalamat ako at maraming naniniwala sa Wazzup Pilipinas bilang isang taga-suporta ng Pilipinas at mga pangyayari sa loob at labas nito.Lahat ng balita na pwede naming ipamahagi ay ibibigay namin sa pamamagitan ng aming blog. Libre man o may bayad, kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa Wazzup Pilipinas.
I would like to take this opportunity to let everyone know that our lifestyle blog Wazzup Pilipinas is open for free posting of press releases and announcements, especially those that promote anything and everything about the Philippines. Pero syempre, mas ikagugusto namin na kahit paano ay may maibahagi sa amin na kahit nao mang token or pampalubag-loob para na rin kami ay may pangtustos sa mga pang-araw-araw na gastusin at para kami rin ay may souvenir man lang na manggagaling sa even na aming pinuntahan.
Hindi naman namin ipagkakaila na mas matutuwa kami kapag kami ay nakatanggap ng kabayaran dahil ito ay amin din naming gagamitin upang patuloy kaming makapag-silbi sa bayan sa pamamagitan ng advocacy na ito.
Tao lang po kami at may kanya-kanyang pangangailangan katulad ng lahat kaya kami ay lubusang nagpapasalamat sa mga generous na sponsors at contributors na lubos pusong tumutulong para mapagbuihan namin ang aming nasimulan.
We are also open to all kinds of online media partnerships and product promotion. Handa kaming makipagtulungan para sa ikaaangat ng ating bansa - maliit o malaki mang paraan.
Nais rin naming makilala ang aming kasipagan so it wouldn't hurt if you vote for us in awards that recognizes our efforts.
Please nominate Wazzup Pilipinas to the Globe Tatt Awards 2014 as the Best Lifestyle Blog/Microblog - Please vote for Wazzup Pilipinas and let us all share the recognition - because we are a community, and our community is one! We are Wazzup Pilipinas!
Inuuna na po naming pasasalamatan ang lahat ng magnonominate sa amin (deadline na po sa July 10), lalong-lalo na sa mga boboto sa darating na July 15. Ewan ko ba kung bakit dalawa pa ang proseso pero hayaan na lang natin.
Maraming salamat at mabuhay ang Pilipinas!
No comments:
Post a Comment