Wednesday, May 28, 2014
Our Daily Breath: Mga Karaniwang Reklamo at Himutok ng Isang Ordinaryong Pinoy
Wazzup Pilipinas!
Pasensiya na...hindi po kasi ako komedyante. Mas madalas ay seryoso ako, tahimik, nasa isang tabi lamang. Hindi mo agad-agad akong mapapatawa, kahit mapangiti...pilit siguro..pero mahirap at halatang peke.
Pero kapag interesado talaga ako o nasa syento porsyento pa ang aking lakas, uupo ako sa harapan, makikinig ng maiigi, magtatanong pa minsan, tititigan kita dahil may gana pa ako. Once na tumingin ako sa sahig, its either inaantok na ako, or nahihiya ako sa iyo dahil sa sobrang ka-cute-an mo. Shy rin ako noh.
Kaya lang kapag naramdaman kong hindi ka pala totoo, mapagkunwari ka lang na pilit na nagpapaka-tao, aantukin na ako, iba na ang iisipin, kating-kati na umuwi. Kahit landiin mo pa ako at magpakita ka ng cleavage at legs, there will never be something between the two of us.
Dadamihan ko na lang ng inom ng iced tea, kung meron, o kaya tubig na lang ang pagtiyatiyagaan para pampalipas lang ng oras, lamang tiyan di yan...kahit malunod na ako sa kakainom, para makaraos lang, para di mapanis laway ko. Pagbibigyan ka pa rin, kahit atat na talaga akong tumayo. Mas masarap pa kasing umutot kaysa makinig sa iyo.
OK lang ...tuloy ka lang diyan...maaga pa naman, o di kaya ay, rush hour pa rin,...palipasin ko muna ang oras, may wi-fi naman ...wag lang mag-low-batt ang aking Android phone. Sorry po wala akong pambili ng iPhone, I can buy two Android phones with the same cost of an iPhone so bakit pa ako makikipag-sosyalan....Ayokong ring makipag-siksikan sa MRT o LRT, ambabaho ng mga tao pag uwin na.... tambay na muna ako sa labas ng Starbucks...kahit free water lang ang iniinom...
Ewan ko ba, ganyan talaga ang buhay. Kahit sino pang tao sa mundong ito, may kalokohan rin sa loob kahit papaano. Wala yatang ubod ng bait, lahat may pagka-naughty at inggit. Wala kasi tayong satisfaction, madalas ay sinusukat natin ang tagumpay sa dami ng ating materyal na bagay.
Marami rin sa atin, pinipili ang mga kaibigan. Kung sino ang maganda at gwapo, pasok agad kahit bobo. Kawawa naman ang mga challenged sa itsura, hanggang second choice ka na lang kapag hindi pwede ang iba. Pasensiya ka dahil pinanganak kang mukhang timang, samantalang yung iba ay tla pinagpalang anak ng Diyos.
Huwaw! Wow! Ang galing mo boy! Akala mo sikat ka dahil ang daming umaaligid-aligid sa iyo at nag-aabang. Pero hintayin mong mawalan ka ng ipamamahaging grasya, tuwa ko lang kung mayroon pang matitira. Mauubos rin ang pera natin sa kakabayad ng pesteng kuryente bills sa Meralco, gasolina na parang ginto ang presyo, at ng Internet na pinakamabagal naman sa buong mundo.
Napakasiskip naman kasi ng mundo. Napakaraming tao, karamihan pa ay walang trabahong nararapat sa kanyang kurso. Sandamukal na call center, kaya may henyong naisip gawing kurso. Bilib naman talaga ako sa ugak na iyon. Imbes na ayusin ang lugmok ng lack of better employment opportunities, ipagdidiinan pa ang degrading na trabahong tumambay sa harapan ng telepono, at manigarilyo sa break, habang nagpupumilit na manatiling gising sa oras na dapat ay tulog tayo.
Sige..sisihin natin ang pangulo ng Pilipinas, kahit sino naman umupo diyan sa Malacanang ay ating inirereklamo. Tayo lang yata ang matino sa mundong ito, kasi lahat pinuna natin na corrupt at malisyoso. Nakakainis kasi kung bait tayong mga isang kahig, isang tuka ay palaging nakakarining ng balitang nagpapakasasa sa ating buwis ang mga tinamaan ng lintik na mga opisyal ng gobyerno at kanilang mga kasabwat na ngayon ay lumalabas sa Napoles list. Nabalitaan ko rin yang Vitangcol na yan at ang kanyang kasong nepotismo bukod pa sa bribery at kung ano-anong huthutan.
Tayo na nagpapakahirap pagkasyahin ang sarili sa tricycle na ginawang animan ang sakay, sa dyip na kalahati lang ng puwet ko ang nakakaupo kapag nahuli akong sumakay, sa tren na halos magpalitan na kami ng mukha ng katabi kong naipit na sa loob kaya lumagpas ng istasyon. Bwisit kasi...di pa kami nakakalabas ay may pumapasok na sa tren.
Idagdag mo pa yung mga taxi driver na hindi nagbibigay ng sukli. Kawawa naman sila at laging puro buo ang pera. Dapat mauso na rin yung card na pwedeng gamitin sa public transportation para siguradong eksakto ang bayad, at may free ride kahit piso na lang ang natira sa card.
Pag-uwi ko ay dumagdag pa itong byenan ko sa mga problema ko. Sino ba naman ang matutuwa sa itsura ng kaniyang pagmumukha. Humilata lang ako sa harap ng TV eh parang wala na akong ginawang mabuti. Di ba ako pwedeng magpahinga? Bahay ko na rin naman ito kahit ipinapipilitan niyang sampid lamang ako dahil nakikitira lang kami ng asawa ko. Buti kamo di ako pinapalayas, Afraidy Aguilar din naman ako kahit papaano. Ayaw ko rin pulutin sa kanto.
Sana naman sa panaginip ay walang bangungot. Sawang-sawa na akong mangarap ng gising, nakakapagod dahil mahirap isiping fried chicken ang kinakain kong tuyo. Sa amoy pa lang ay pahirapan na po. Panaginip ko sana ay tungkol sa isang buhay na masagana bago pa man ako napariwara at naligaw ng landas dahil sa kapusukan at kamangmangan...at ang pride kong di ko makain. Yeah, alam nating lahat na nasa huli ang pagsisisi...at least paggising ko naman sa umaga ay pilit pa rin akong ngumingiti at umaasa.... na hindi ko na dadagdan ang aking kamalasan. Teka lang sandali at ng mabatukan ko lang itong sarili ko kapag hindi ako nag-seryoso.
Contributed by Kalma Lang Pare
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Post a Comment