Monday, April 21, 2014

A Classic Barber and Tattoo Shop in the Philippines

Wazzup Pilipinas!

Naalala mo pa ba ang mga sinaunang pagupitan kung saan pamada at hair tonic ang gamit ng mga barbero?

Sa ngayon ay wala nang gumagamit ng ganyan dahil moderno na ang labanan at high tech na ang mga barber shop natin.

...Eh kung sabihin ko sayo na may makikita ka pang old school na barber shop?

Yung tipong kurusawa pa ang tatak ng mga upuan at ang mga gamit sa loob ay puro vintage.

The Ambassador 31 Kamias Rd., Quezon City Near Edsa, Jollibee and Mercury drug 

Eto ang mga pruweba:


Yan at iba pang mga vintage na kagamitan ay makikita sa bagong barberya sa kahabaan ng Kamias Road. Akalain mong may ganito palang shop sa Quezon City. Barbershop na Tattoo-an pa.


History
Ang original na The Ambassador barber shop ay matatagpuan sa Blumentritt noong 1953, ngayon ay isa na siyang parlor at Gerard's ang pangalan. Dito nagmula ang konsepto ng The Ambassador na ngayoy nasa QC na.
Wala akong magawa nung lingo kaya naghanap ako ng barber shop…bukod sa gupit gusto ko lang din makipag kuwentuhan. Sakto ang dating ko dito kakatapos pa lang nilang mananghalian kaya tumambay na rin ako. 

Rakenrol ang mga may-ari ng shop na ito; Si James, Chris, DM, Olan, Myles at mga barberong sina Cesar at George. Tropa ko na sila kaya feel at home ako dito.


Dito ko na rin nakilala ang ka blogger na si French,Journalism student sya sa UP Diliman kaya reporter ang peg nya. Peace!


Ito si Kuya Cesar, sya ang barbero na gumupit sa akin. Mabilis syang kumilos saka magaling magmasahe ng scalp. Natuto siyang gumupit nung 25 years old pa lang, 13 years na siyang barbero. Marami akong mga tinanong sa kanya gaya ng Anong gupit ang gusto ng karamihan? Barbers.

Bakit hair tonic ang gamit dito imbes na alcohol? Para masarap i-massage sa ulo at mabango.

Ilang beses pinapalitan ang blade ng labaha? isa, dalawang gamit.

 Bakit nagma-massage ang mga barbero? para hanap-hanapin ng customer para bumalik-balik.



At kung bakit pinapatunog ng mga barbero ang leeg ng customer kapag mina masahe? Huwag daw dahil delikado maaring magdulot ng injury sabi ni Kuya Cesar.

Kung hirap kang mag desisyon kung anong gupit ang ipapagawa mo huwag kang mag-alala dahil pwede kang mamili dito:






Mabenta ang Gupit Rizal at Gupit Aguinaldo dito, mura lang!

Ang Tattoo Shop naman nasa itaas ng barber shop kung saan makikita ang mga obra ni tropang Olan Lipana ang Tattoo artist ni Tado Jimenez. Ang minimum na Tattoo dito ay mura lang - 2,000 pesos only, 3x3 size





Si tropang Myles naman ay gumagawa rin ng customize na sapatos gamit ang acrylic paint.

Marami pa akong kuwento sa inyo pero mas magandang pagusapan natin yan sa The Ambassador habang nagpapa-Scalp massage o Half-body massage tayo!

Balita ko magaling daw mag masahe yung barbero na si George. Kita kits ha!

For more photos, please visit my photo gallery
*****

Contributed by Carlo Valenzona

Carlo Valenzona posts his blog about massage at 100spa.blogspot.com

2 comments:

  1. When cortisol levels are lowered the immune system has a better defense against illness and disease because there are more defensive cells in our body ready to ward of the foreign invaders. 출장마사지

    ReplyDelete
  2. Thanks for the nice blog. It was very useful for me. I'm happy I found this blog. Thank you for sharing with us,I too always learn something new from your post. Jpscissors.com

    ReplyDelete