BREAKING

Saturday, January 25, 2014

Vhong Navarro Molested A Student at BGC Condo?


Wazzup Pilipinas!
"As much as I feel bad for Vhong, something's not adding up. Ilang araw na ang nakaraan since the incident pero hindi pa din naglalabas ng malinaw na detalye ang kampo ni Vhong. Meron ba silang itinatago? Puwede rin kasing hindi ito simpleng extortion case. Hindi naman s'ya sasaktan ng mga taong 'yun ng walang mabigat na dahilan. Maaaring may mga "nasagasaan" din s'ya o may mabigat na atraso. Sino 'yung babae na 'yun? Ano'ng relationship n'ya kay Vhong? Ano'ng ginagawa ni Vhong sa condo na 'yun? Anyway, get well soon sa kanya." - Rad Macapagal
I've read from an article at GMA News Online that Vhong Navarro allegedly tried to molest a 22 year old lady student at a condominium in Bonifacio Global City (BGC). It says that there was a blotter at the Southern Police District at BGC documenting the incident signed by Ferdinand Navarro - Vhong's real name outside showbizness.

The article says that Vhong was taken in under citizen's arrest by the the lady victims' friends who caught Vhong in the act.

Below is the news reported in Tagalog:



"Sa ulat ni John Consulta sa GMA news "24 Oras Weekend," sinabi nito na nagtungo siya sa tanggapan ng Southern Police District sa Bonifacio Global City at nakita ang police blotter na pirmado mismo ni Ferdinand Navarro, ang tunay na pangalan ni Vhong.

Sa blotter, nakadetalye umano ang nangyari nang gabing bugbugin si Vhong noong Miyerkules, Enero 22, sa isang condominuim sa Bonifacio Global City.

Nakasaad sa blotter na dakong 10:00 p.m. nang bumisita si Vhong sa condominium unit ng isang 22-anyos na babaeng estudyante, na itinago ang pangalan.

Nang makapasok na umano ang aktor, nagulat  daw ang babae nang biglang hawakan ni Vhong ang kanyang kamay at hinila ang kanyang buhok at pilit na pinaupo.

Ngunit nanlaban daw ang babae at tumakbo sa kwarto nang maramdaman ang motibo umano ng aktor.  Gayunman, nagtungo din umano si Vhong sa kuwarto at pinilit siyang inihiga sa kama at tinangkang ibaba ang kanyang shorts.

Ayon pa sa ulat, nagmakaawa umano ang babae na itigil ni Vhong ang pag-atake pero di raw ito tumigil at pumaibabaw daw sa dalaga.

Sa sitwasyong nabanggit, dumating umano sa condo unit ang dalawang kaibigan ng babae at sumaklolo sa biktima at isinagawa ang "citizen's arrest."

Dinala rin daw ng mga ito si Vhong sa himpilan ng pulisya para ipa-blotter ang pangyayari.

Pero nakasaad sa dulo ng blotter na hindi na itutuloy ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

Sinabi rin sa ulat na isang dokumento na nakuha mula sa security agency na nagpapatotoo na nagpunta ni Vhong sa unit nang nabanggit na araw, pati na ang pagdating ng kaibigan ng babae.

Patuloy daw silang nagsasagawa ng kanilang sariling imbestigasyon."

 
Walang lihim na hindi nabubunyag.. sooner or later lalabas din ang katotohanan.. why it happened. We have yet to get confirmation from Vhong's camp if the story is true.
Anu pa man nagawa ng isang tao, mali pa din ang pambubugbog. sa kung anu man dahilan, ke mali si Vhong Navarro. Hindi patas na pagtulungan siya. Walang kalaban-laban, mag-isa at nakatali pa.

The comedian actor and host will have to undergo surgery due to injuries he sustained after being tied up and attacked by the group of men. Don't worry Mr. Suave, we will wait for your recovery and hear you out fairly.
Readers beware! There are a lot of fake videos about the mauling coming out in social media. As of today, I have not seen any real CCTV footage of the incident.

Let's wait for Vhong to get well soon and right back up on his feet. We want the truth after all.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT