Wazzup Pilipinas!
This is a heart-warming and a must share story we read from a Facebook user about his experience saving a child who drown at a beach somewhere in Anawangin, Zambales just this month. It was because of his basic RED CROSS training in CPR and the likes that he was able to save the life of the child.
"Isang araw sa Anawangin, Zambales last January 11, 2014. Barkada beach outing habang nag-iihaw sa beach-front sa cottage namin.. ng biglang may nagtakbuhan na mga tao papunta sa dagat... sunod nito ay sunod-sunod na ang sigawan "May nalunod, may nalunod!!!" (akala ko tinatawag ako sa apelyido ko..NULUD) sunod nito ay tinawag ako ng mga kaibigan ko "Pare may nalunod... may batang nalunod! di ba nag training ka sa RED CROSS?"
Kahit hirap akong tumakbo.. eh bigla itong bumilis.. papunta sa nagtutumpukang tao sa pangpang.. at may nagsasalita na. "o tabi tabi..tabi kayo jan may nurse dito.. may RED CROSS volunteer dito" at bumungad sa akin ang batang walang malay.. tirik ang mata..lawet ang dila.. namumutla...At nakabaliktad na bata.. hawak ng mga bangkero sa paa ang biktima at saka itinataktak ito ng paulit-ulit dali dali kong nilapitan at nakialam na din ako...
"Kuya mali yang ginagawa ninyo... asan ang kamag anak nitong bata? pwede ba kong tumulong?" walang sumasagot ganun pa man ay ginawa ko na ang pumasok sa aking isip.. HINDE AKO BOARD PASSER, at HINDI AKO PERPEKTO SA CPR. HINDI RIN AKO YUNG ESTUDYANTENG MAGALING sa KLASE.... bahala na si Lord!
Check breathing, check pulse ... parehas absent! - check airway may sipon at may mga kanin at ulam akong nakita sa bibig matigas ang panga.. (bahala na si Lord) dali dali ko pinuwersa buksan ang bibig... dinukot ang mga pagkain nasa lalamunan.. sinipsip ang sipon sa ilong. sabay bigay ng 2 rescue breaths.. mouth to mouth resuscitation.. sabay chest compression rescue breaths ulit.
Eto na pala yung CPR na ginagawa ko sa manikin dati.. napag aralan sa school at naituro sa training sa REDCROSS.. gumalaw ang kamay at paa ng bata.. at ako'y nagkaroon ng pag-asang buhay pa ito.. -check pulse with pulse -check breathing absent continue rescue breaths hanggang sa umubo ito at sinubukan bumaling pinabuhat ko sa mas ligtas na lugar (sa lamesa sa malapit na cottage) at inayos ang bata sa RECOVERY position at hinintay ang sunod na mangyayare.
Humihinga na ito at bglang nagsalita "nalunod ako kanina, nalunod." Muli ko itong inihiga patagilid at inaabangan ang pagsusuka tinagilid ko para hinde humarang sa lalamunan ang mga isusuka pa... hanggang sa bumangon ito at sinabing "nahihilo ako"
Labis akong natuwa sabay tayo sa kinauupuan.. sa maraming nakapalibot na tao sabay THUMBS UP "buhay ang bata.. ok na!" Sinalubong ako ng palakpakan... at sigawan ng mga tao.. Makalipas ang ilang oras.. habang ako'y nakaupo sa buhanginan sa tapat ng aming kubo.. nakita ko yung batang tinulungan ko kanina.. nasa poso at nakakatayo na.. nagbabanlaw at kasama na ang kamag-anak... pa simpleng tumulo ang luha ko sa saya... Hindi ko alam kung bakit.. pero ang nasa isip ko.. basta nakatulong ako... nakikita kong buhay yung bata at ok na sya.. Salamat Lord at binigyan ninyo ako ng kaunting kaalaman! salamat salamat.... - Janbergh Nulud (January 13 2014)
It is really inspiring to read stories like these that touches the heart and warms the soul. I hope many more people would be able to read this so that many would know that there are a lot of angels on Earth.
Yes! There are so many angels around us who are more than willing to lend a helping hand especially when it means saving or prolonging a life.
Man is basically good and kind by nature. Let us be encourage that we are here as one to become united with our fellowmen. Only man would be able to save mankind from his own selfish and self-serving schemes by becoming more of a true friend to all.
Post a Comment