Wazzup Pilipinas!
Thanks to YouTube user Silverrainxyz for the great Tagalized (translated in Tagalog version) "Frozen" movie soundtracks.
Like almost everyone I was deeply impressed with the Disney movie about the "Ice Queen"? The story about two sisters and the seemingly curse of a power that somehow made their relationship as "cold" as snow. Well I believe every Disney fan out there has seen the movie already so I really don't have to discuss what happened between the two.
I'm now impressed with the quality of the translated "Do You Wanna Build a Snowman?" into "Gusto mo Gumawa ng Taong Nyebe?" There's another one "Let It Go" by Idina Menzel, or was it Demi Lovato?, that was also translated in Tagalog though he didn't translated the title to Pinoy words. DisneyDubAmy, another YouTube user translated it as "Bumitaw" and she even posted the lyrics and download link online. Another one, Jay D, made lyrics translated as "Ilabas Mo"
"Honestly I'm not really confident with my translations, trip ko lang sya gawin ^_^
I based this to Hyorin's ver. a bit. I don't intend to destroy the lyrics or anything, napagkatuwaan ko lang pong gawin syang tagalog at i-share po dito. I own nothing but my voice and my crappy translyrics. No copyright infringement intended."- Silverrainxyz
Gusto Mo Gumawa ng Taong Nyebe?
http://www.youtube.com/watch?v=-28rejfRg8s
Let It Go
http://www.youtube.com/watch?v=kZY7SE9KxyI
Bumitaw
"BUMITAW" (Let it Go) from Frozen sung in Filipino/Tagalog. Better translation than the rest-not conyo tagalog, taglish, or awkwardly timed. Pasensya na sa boses, I'm not accustomed to extreme high and extreme low notes. LIKE and SUBSCRIBE :)
Feel free to use my lyrics for your own awesome Let it Go Tagalog cover. I'd love to hear you! Just link to this video in the description or post as video response. Mabuhay Pinas!" - DisneyDubAmy
Recently there was a multi-language version where the song was translated into a mix of several language alltogether except Filipino. But because of how creative and talenbted Filipinos are it is not surprising that many have made their own cover of the popular songs from the Frozen movie. Bravo fellow Filipinos!!!!
Bumitaw
Let it Go Tagalog Version
DisneyDubAmy
Nagniningning ang bundok sa tanglaw ng buwan
Ni isang yapak di kita
Kaharian ng kalungkutan, at ako nga ang Reyna
Ang ihip ng hangin, parang habagat sa loob
Di na natiis, ako'y napasubok
Wag ipaalam, wag ilalabas
Dapat mabuting halimbawa ka
Ilihim mo, wag ipakita
Eh Nakita naaaaaa
Bumitaw, bumitaw
Di ko na matatago
Bumitaw, bumitaw
Isarado ang pinto
Bahala na, kung anong sabihin nila
Bumagyo pa man
Lamig ay hindi na abala
Hindi ba sa malayo
Lumiliit ang lahat
Haharapin ko ang aking takot
Ang tapang ko'y sapat
Panahon nang magpakitang gilas
Subukin ang aking lakas
Walang mali, walang hanggan
Kalayaan
Bumitaw, Bumitaw
Ako'y hangin at himpapawid
Bumitaw, bumitaw
Di na mananangis
Narito ako
mananatili dito
Bumagyo pa man
Kapangyarihan ko sa hangin at lupa
Sigla'y kumikislap sa aking diwang kay ganda
Siklab ng kristal, lumikha ng haraya
Di na ko babalik, wala nang halaga.
Bumitaw, bumitaw
Bumangon sa sikat ng araw
Bumitaw, bumitaw
Tanggapin ang bagong ikaw
Dito sa liwanag ng umaga
Magpakailanman
Lamig ay hindi na abala.
"It's 12 AM and I have nothing to do, so I decided to make a Tagalog translation/cover of "Let It Go" by Idina Menzel from Disney's Frozen. It started when I found out that the composer of this song was half Filipino and I see a lot of international cover of this song (but no Tagalog translation). I'm really sorry but I'M NOT A PRO ON ANYTHING, I'M NOT A COMPOSER NOR A SINGER (frustrated maybe :P)! I just wanted to share you this. LOL! I recorded this at 2 in the morning, agad-agad after completing my translation."- Jay D
Ilabas Mo
Let it Go Tagalog Version
Jay D
Balot ng nyebe'ng buong kabundukan
Walang bakas na mamasdan
Kahariang itinangi
Para bang ako ang hari (Para bang ako'ng may-ari)
Ungol ng hangin ay mala ikot ng damdamin
Hindi malilihim, kahit subukan man
Itago mo, Ikubli mo
Huwag magbago, maging mabuting tao
Wag ipaalam, Ngunit heto't
Alam na ng lahat!
Ilabas mo, 'labas mo
Di mo na matatago ito
Ilabas mo, 'labas mo
Isarado mo ang pinto
Huwag pansinsin
Ang sasabihin
Unos ma'y dumating
Balewala ito para sa akin
Kung pa'nong sa malayo
Lahat ng bagay lumiliit
At ang takot na noo'y bitbit-bitbit
'Di na papapasukin pa!
O oras nang, malaman ko
Subukan ang hanggan ng kakayahan ko
Walang bagabag, Ako ngayo'y
malaya na!
Ilabas mo, 'labas mo
Kakampi ko ang kalangitan
Ilabas mo, 'labas mo
Hindi na luluha pa!
Nandito ako,
Nakatayo
Hayaan ang bagyo....
Kapangyarihan'y lumilibot saan man
Ang diwa'y umiikot-ikot sa kapaligiran
Parang pagsabog ng lamig ang pag-iisip
Hindi na babalik!
Nakaraa'y limutin na!
Ilabas mo, gaya ng
pagsikat ng bukang liwayway
Ilabas mo, Iwan ang
dating perpektong ikaw!
Nandito ako,
Sa liwanag ng araw!
Unos ma'y dumating
Balewala ito para sa akin
hhhaaaayyyy!!! salamat sa lyrics :)
ReplyDeletesana may official na Tagalog version ang mga palabas ng Disney dito sa Pilipinas. ang katwrian kasi ng iba, nakakaunawa na raw tayo ng English kaya okay lang kung hindi isalin sa Tagalog. napakaputang-inang katwiran talaga niyan. napakainsecure talaga natin sa mga ganitong mga bagay, may iba pa nga na ang dinadahilan nila ay napakasikip daw ng Tagalog sa isang original na English version. magagawan naman ng paraan yan ng mga magagaling ng mga tigasalin o ng mga composers. maaari ring mag-deviate sa orginal na lyrics ngunit ang meaning at context ay hindi nagagalaw. mag-hire sila ng mga magagaling umawit at magdub. di naman kailangan ng mga galing sa malalaking mga pangalan. training lang na puspusan, gagaling na yan. sana huwag ma-awkward ang lyrics, sana hindi mapaos ang mga umaawit, sana magmukhang natural, yung di lang basta-bastang nagbabasa ng script. alam kong maraming mga may angking galing sa mga ganitong bagay ang mga tao sa ating bansa.
ReplyDelete