Wazzup Pilipinas!
"Kami ni Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ay naging magkaibigan dahil kami ay mga artista. Kung anuman po ang kinalaman ng kanilang trabaho sa isa't-isa, wala po ako doon. Hindi po tayo mabubuhay nang walang kaibigan, at hindi po ibig sabihin na sasamahan ko ang kaibigan ko pag siya'y mali... Ang sinasabi ko po, sa oras na ito, lahat sila'y marumi," Robin PadillaDo you think Robin Padilla is level-minded and fair to everyone? Do you think he can lead some changes in the country?
Sinabi lang ni Robin ang totoo. Hindi dahil sa kaibigan niya ang mga nabanggit na Senador ay sasama na siya sa mga mali na kanilang ginagawa. Ipinapakita lang niya ang katapatan niya. Ang tunay na kaibigan ay magsasabi kung tama o mali ang gawain ng kanilang kaibigan.
However, kaibigan rin naman ni Robin si Misuari pero bakit wala naman siyang komento tungkol doon na kay daming inosenteng civilians ang namatay at nawalan ng mga bahay doon sa Zamboanga?
Narinig at nakita ko mismo ang live guesting niya sa ABS-CBN Umagang Kay Ganda morning show, secondary na lang yang sinasabi nya sa taas. Ang emphasis ng panawagan niya ay mag-resign si Franklin Drilon at buwagin ang senado/kongresso dahil marumi daw silang lahat at HUWAG daw gawing SACRIFICIAL LAMB si Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada!
Nang tanungin ni Anthony Tabuena yang 'sacrificial lamb' ay sinabi ni Robin na dahil daw malakas ang laban ni Bong sa 2016 as Vice President candidate kaya daw pinunterya!
Kaya nakakasuka itong huwad at mapagbalat-kayong anti-corruption niyang sigaw! Dahil kung galit talaga siya sa corrupt, unahin niyang sigawan at kundenahin iyang mga mandarambong niyang mga kaibigan dahil malinaw silang idinidiin ng whistleblowers, hindi na-politika!
Kaibigan pala niya iyong dalawa so baka pwede niyang kausaping mag
resign na lang at di na maganda ang ginagawa nila Bong at Jinggoy sa
Pilipinas. Masyado na nilang ginatasan ang inang bayan. Time for them to
resign and face the consequences! Kung talagang wala siyang
pinapanigan, hindi lang si Drilon ang sasabihan niyang mag resign kundi
pati mga kaibigan niyang magnanakaw na sila POGI at SEXY.
Ang Artista siguro ay mas bagay para sa teleserye at pelikula - hindi sa politika. Kung ikaw man ay artista lumugar ka sa dapat mong paglagyan at huwag makisawsaw sa politika. Kasi iyong mga artista na naging politika, wala naman yatang ginawa sa government kundi magnakaw lang ng magnakaw ng pera ng bayan. So its better to keep silent na lang siguro at diretsuhin na lang ang mga pinariringgan niya kasi naging epal siya tuloy sa mata ng taong bayan.
ROBIN, kung seryoso ka, magbantay ka! Maging isa ka sa boses ng bansa. Bantayan mong mga taong nasa gobyerno. Marami pa diyan, umpisa sa pinakamaliit na position sa SKB, Barangay, Councilors, Mayors, Governors, members of congress, congressmen, senators, President, appointed secretaries, DBM, Bureau of Customs, etc. Naku halos lahat ng sangay ng gobyerno, mabibilang mo lang sa daliri ang matino at hindi corrupt.
It is so very glaring with all the proof-documents and all the numbers of whistle blowers, what more can the court ask for? Pinoys can't say the whistle blowers have been paid or coerced to testify what they know is truth and the documents can't be falsified-doctored. Ginusto na rin ng PANGINOON na matapos ng napakamaling gawain ng mga taong involved. Kungdi ito matigil baka hakutin na nila ang kaban ng Pilipinas.
I don't get why Robin is being so outspoken recently, I mean its his right to have a say pero i don't get why he's doing it... Tatakbo iyan next halalan! Bet on it!
Post a Comment