Wazzup Pilipinas!
Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga tsikiting sa Adarna House para makipagmultuhan sa ika-26 ng Oktubre (Sabado)!
May 25% diskuwento sa lahat ng libro (maliban sa WiKAHON). Meron ding lootbag sa unang 25 batang naka-costume, at kung ang costume ay Pinoy na halimaw o tauhan, may libre ring storybook! Siyempre, may storytelling session nang 10:00 nang umaga.
Narito ang mapa ng showroom, at ang mga larawan ng multuhan noong isang taon!
Post a Comment