Monday, September 16, 2013

Artistang Artlets : Sa North Diversion Road


Wazzup Pilipinas!
Gaano kahaba ang isang highway para sa dalawang pusong nasasaktan?

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang North Diversion Road na isinulat, ng Don Carlos Palanca at FAMAS awardee na si, Tony Perez.

Ilang beses nang itinanghal sa entablado, at minsan pang ginawang isang palabas na pinagbidahan nila John Arcilla at Irma Adlawan, ang North Diversion Road ay tungkol sa pag-ibig, at pangangaliwa. Binubuo ito ng iba't-ibang istorya na tumutukoy sa mga dahilan at mga posibleng kahantungan ng isang nasirang pagmamahalan habang binabaybay ang kahabaan ng highway.


Sa direksyon ni Ma. Kristina Magno, at sa pamamahala ni Christine Emano, ang North Diversion Road ay gaganapin sa Setyembre 24, 25, 26, at 27, 2013 sa mga oras na 10am, 1pm, 4pm, and 7pm. Isasadula ito sa Tan Yan Kee Auditorium, Tan Yan Kee Building, Unibersidad ng Santo Tomas.

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan o kontakin si Cymon Denise Mercado sa numerong 0927-329-6953 o maaaring bisitahin ang Facebook page na: www.facebook.com/ArtistangArtletsUST.

Kung alam mo na ang katotohanan, saan ka pupunta?

http://www.youtube.com/watch?v=tfUQPYGMbjg
#NorthDiversionRoad #ArtistangArtlets #KSPat33 #MajorProd2013 #BibiyaheNa

1 comment:

  1. Personally, I haven't watched this show entitled "North Diversion Road" yet. However, I heard from other people that its really a good show that talks about 'love-mistakes'. Its good that organizations are working hand in hand to conduct this kind of activity in order to relive and promote the old theatre shows

    ReplyDelete