Tuesday, August 13, 2013
Andres Bonifacio : Buhay at Pakikibaka
Wazzup Pilipinas!
Si Andrés Bonifacio ay ang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, may angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik.
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.
Kasabay sa paggunita ng Sigaw sa Pugad Lawin ay ang paglulunsad ng mga tinipong babasahin hinggil kay Andres Bonifacio. Magkakaroon din ng artists sketching at photography session 8:00-10:00 ng umaga.Magkita-kita tayo sa Monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan.
Agosto 24, 2013 sa ganap na 8:00 am
No comments:
Post a Comment