Friday, December 14, 2012

Villar SIPAG Aims to Alleviate Poverty


Senator Manny Villar and his wife Cynthia Villar, Chairman and Managing Director respectively of the Villar Foundation led the inauguration of the Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) on C-5 Road Extension on Pulang Lupa Uno in Las Pinas City last December 13.

Mrs Cynthia Villar yesterday led the inauguration of the Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar Sipag) which will serve as a home for Filipinos especially for Las PiƱas City residents to raise them out of poverty.



Getting Filipinos out of poverty has always been the main advocacy of the Villar Foundation and the couple behind this noble cause.Through the Villar SIPAG, former Congresswoman Villar vowed to boost their efforts and initiatives to reach out to more people who need guidance, training, information, inspiration and skills to improve their lives and eventually help them out of poverty. The former three-term congresswoman has earned the moniker “Misis Hanep Buhay” because of her untiring efforts to provide livelihood opportunities to Filipinos nationwide.



Timed with the celebration is the inauguration of the Villar SIPAG Center, Sen. Manny Villar also celebrated his birthday that day. According to former Conresswoman, the Villar  SIPAG will serve as home of all their efforts and endeavors to help people rise out of poverty.



Villar SIPAG Center will feature among others: Poverty Alleviation Museum, SIPAG Poverty Knowledge Management Center, Nacionalista Party Museum, Reception Hall, Mini-Theater, Offices, Archives and Training Rooms.




The Villar Foundation, through its various livelihood-generation and skills training initiatives, has played an active role in poverty alleviation for 20 years already, says Cynthia. Its barangay-based livelihood enterprises now provide income to over 500 families and other parts of the country, where it has established more than 50 pilot projects.






The inauguration was followed with the celebration of the 7th parol festival.



Below is former Congresswoman Cynthia Villar's speech:


"Magandang umaga sa inyong lahat! Natutuwa kaming makasama kayong lahat sa inauguration ng ating Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG.

Bakit SIPAG? Kami— si Senador Manny Villar at ang aming pamilya, ay naniniwala na ang kasipagan ay susi sa pag-ahon ng isang tao mula sa kahirapan. Sipag at tiyaga—iyan ang mga katangian na pinahahalagahan namin at naging malaking bahagi rin ng aming pag-angat sa buhay—personal man o publiko.

Ang Villar SIPAG ay magsisilbing tahanan ng masipag na pagpupunyagi ng ating mga mahihirap na mga kababayan—ang mga out-of-school youths, ang mga kababaihan, ang mga OFWs, ang mga walang ng trabaho at kahit sino pa man na nangangailangan ng kaalaman, impormasyon, pagsasanay, oportunidad, patnubay at inspirasyon upang makaahon sa kahirapan.

Marami sa atin ang nangangarap at umaasa na ang kahirapan, pagdating nga panahon, ay makikita na lamang sa mga museo. At sana ay hindi na makakaranas ang mga darating na henerasyon ng kahirapan. Ngunit hindi tayo pwede maghintay lang na dumating na lang ang pinakaasam na panahon na yan. Kailangan natin kumilos upang makamit iyan.

Kung kaya ang Villar SIPAG ay hindi lamang museo ng mga larawan, dokumento, libro at iba pa. Ngunit meron din naman ng mga iyan dito—sa ating Poverty Alleviation Museum dahil ito ay magiging sentro rin ng pananaliksik tungkol sa iba’t ibang aspeto ng kahirapan. Dahil ang ating kaalaman ukol sa kahirapan ang magiging gabay natin sa paghanap ng solusyon.

Ang Villar SIPAG ay magiging sentro ng mga aksyon at aktibidad na konektado sa pagsugpo sa kahirapan. Katulad ng binanggit ko kanina, magiging tahanan ito ng ating pagpupunyagi laban sa kahirapan. Bukas ang pinto ng gusaling ito sa lahat ng ating mga masisipag na kababayan na gustong magpursigi na iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Tutulungan namin sila dito.

Ang lahat ng bahagi ng gusaling ito ay pinag-isipan at itinayo upang maging kapakina-pakinabang sa ating layunin na labanan ang kahirapan.

Ang SIPAG Poverty Knowledge Management Center ay magsisilbing library kung saan iipunin ang mga reference at reading materials na maaaring gamitin ng publiko, lalong lalo na ng mga estudyante, iskolar, mamamahayag (press people) at iba pang grupo na nais manaliksik tungkol sa paglaban sa kahirapan (poverty reduction), usaping pangkabuhayan (livelihood generation), pagnenegosyo at iba pang katulad na mga paksa.

Ang mga Training Rooms ay gagamitin upang magbigay na kaukulang kaalaman at pagsasanay sa ating mga kababayan tungkol sa oportunidad na pang-hanapbuhay, pagnenegosyo at iba pang pagkakakitaan nila. Mag-iimbita tayo ng mga eksperto upang turuan sila.

Ang Mini Theater at Reception Hall ay magiging venue ng mga pagtitipon at mga programa (conferences, conventions, performances o symposium) na tumatalakay pa rin sa isyu ng kahirapan. Maaari tayo magkaroon diyan ng mga film-showing at iba pang events o gatherings.

Samantala, may itinayo rin tayo na Nacionalista Party Museum na magpapakita ng mga memorabilia, dokumento, larawan at iba pa ng itinuturing na ‘oldest political party’ ng ating bansa. Napakagandang pagbabalik-tanaw iyan sa mga naging lider ng partido—ang kanilang mga accomplishments—at syempre ang mga naging pagpupunyagi rin ng mga miyembro nito.

“Ang Bayan Higit sa Lahat’ ang popular na motto ng Nacionalista Party, naayon sa paninindigan na ipaglaban ang kapakanan ng bayan, higit sa ano pa man na interest, ay ang pagnanais din na palayain mula sa kahirapan ang ating kapwa Pilipino. Iyang kalayaan na yan ang kinakailangan natin sa panahon na ito at matagal ng minimithi ng marami sa atin.

Ang Villar SIPAG ay tahanan nating lahat—ang mga mahihirap na gustong makalaya mula sa kahirapan; ang mga indibidwal at mga organisasyon na gusto tulungan ang mga mahihirap; ang mga public servants na layunin at tungkulin na iahon sa kahirapan ang ating mga naghihikahos na mga kababayan. Lahat kayo ay welcome dito…

Hangad namin na ang Villar SIPAG magiging saksi rin sa tagumpay ng lahat ng ating mga pagpupursigi at pagpupunyagi upang labanan at tapusin ang kahirapan, pagdating ng panahon. At ang mga nagsipagtagumpay na sa buhay dahil sa Villar SIPAG ay sila naman ang aakay at gagabay sa iba na makaahon din sa hirap. 
Kapag mas maraming tao ang nagtutulungan, ang tanikala ng kahirapan na pumapatay sa pangarap ng marami nating mga kababayan ay magiging tanikala ng pagtutulungan na muling magbibigay sa kanila ng pag-asa.

Magandang umaga sa inyong lahat!"

No comments:

Post a Comment