Isang
memorabilia exhibit ng mga bagay na may kinalaman sa panahon ng Batas
Militar na pagmamay-ari ng isang dating aktibista noong Martial Law,
isang personalidad o icon, o replika ng naturang gamit. Kaakibat ng
bawat piyesa ay artikulo/sanaysay o likhang sining tungkol sa
memorabilia item o sa taong itinatampok na gawa ng ang isang bagong
henerasyong aktibista o kabataan.
Magbubukas ang exhibit
sa ika-14 ng Setyembre, 2012 (Biyernes) ng alas-4:00 ng hapon sa
Basement lobby ng UP Diliman Main Library.
Iniimbitahan po ang lahat
na dumalo at gunitain ang protesta at himagsik noong Martial Law at
muling sariwain ang mga buhay at sakripisyo, mga aral, kabiguan at
tagumpay ng kilusan ng mamamayan na humubog sa kasaysayan ng bansa.
TULOY ANG LABAN! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
Post a Comment